Add parallel Print Page Options

21 Pinalapit naman niya ang mga angkan sa lipi ni Benjamin at nabunot ang pamilya ni Matri. Sa kahuli-hulihan, pinalapit niya ang lahat ng anak ni Matri at ang nabunot ay si Saul na anak ni Kish. Ngunit wala roon si Saul. 22 Dahil dito, itinanong nila kay Yahweh, “Pupunta po kaya siya rito?”

Sumagot si Yahweh, “Naroon siya sa bunton ng mga dala-dalahan at nagtatago.”

23 Siya'y patakbo nilang pinuntahan at dinala sa mga tao. Nang mapagitna siya sa karamihan, si Saul ang pinakamatangkad.

Read full chapter